Sa istorya, dalawang dalaga (Miaka and Yui) ang nakakita ng aklat sa isang mahigpit na seksyon sa Pambansang Aklatan, na pinamagatang "Ang Libro ng Kalawakan ng Apat na Diyos". Nang buksan nila ang aklat at binasa ang unang pahina, sila'y hinigop ng aklat at napasok sa loob ng istorya, kung saan ang mundong iyon ay maihahambing natin sa sinaunang Tsina. Ang Fushigi Yugi ay may limampu't dalawang (52) tagpo sa telebisyon, na kung saan ay hinati sa dalawang bahagi. Dagdag pa nito, mayroon din itong dalawang (2) espesyal na tagpong pangtelebisyon, at may kabuuang labing tatlo (13) OAVs, na hinati sa mga sumusunod: Serye 1 (3 senaryo), Serye 2 (6 na senaryo) at Fushigi Yuugi Eikoden (4 na senaryo) Ang Fushigi Yugi anime ay nailathala sa Singapore sa ilalim ng Odex. At lumabas naman ito sa Hapan sa ilalim naman ng Shogakukan. Lumabas din ito sa wikang Ingles sa Hilagang Amerika sa ilalim ng VIZ Media. Sa Singapore, lumabas ito sa wikang Ingles sa tulong ni Chuang Yi.